NANGANGAMBA si Senador Risa Hontiveros na lalo pang lalala ang kaso ng mga online sexual abuse sa hanay ng mga kabataan kung hindi ito agad na magagawan ng paraan ng gobyerno.
Dahil dito, hinikayat ni Hontiveros si Pangulong Bongbong Marcos na pirmahan na ang Anti-Online Sexual Abuse & Exploitation of Children bill.
“These horrifying photos tell us what we already knew: that an Anti-Online Sexual Abuse & Exploitation of Children law is absolutely and urgently needed,” ayon kay Hontiveros sa isang social media post.
“I call on the executive to sign the Anti-OSAEC law now. Our children need the full power and protection of this measure,” ayon kay Hontiveros.
Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa pulisya na aksyunan ang isang Facebook page na lantaran ang ginagawang pag-uusap tungkol sa kung paano magkakaroon ng mga batang girlfriend, at pumasok sa isang sikretong relasyon, at pakikipag-sex sa menor-de-edad.
Tinukoy ni Hontiveros ang “Usapang Diskarte” page sa Facebook at YouTube kung saan hinihikayat pa ang mga miyembro para pasukin ang pakikipag-relasyon at sex sa mga bata.