DAPAT gastusan ng pamahalaan ang mga babaeng entrepreneurs na tiyak na makakatulong para makaahon ang bansa mula sa coronavirus pandemic, ayon kay Senador Grace Poe.
Ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, dapat gawan ng paraan ng pamahalaan na higit pang mapalakas ang kapasidad ng mga babaeng negosyante lalo ngayon na kinakaya ng mga ito na makapag-adopt sa sinasabing new normal.
“I believe the government should invest in women entrepreneurs as they will be extremely vital in the post-COVID recovery of our communities,” ayon kay Poe sa kanyang talumpati sa Go Negosyo Women Entrepreneurship Summit 2022 nitong Huwebes.
“This is why we need to create an enabling environment to remove obstacles that prevent women from living full, productive and satisfying lives,” dagdag pa ni Poe.
Isa sa pinakamalaking challenge na kinakaharap din ng mga kababaihan ay ang hindi pagkakaroon ng sariling bank account.
Ayon sa International Finance Corp., 61 porsiyento ng mga kababaihan sa Pilipinas ang walang bank account at hindi kabilang sa formal economy, dahilan para hindi maka-avail ng business loans na iniaalok ng pamahalaan.