PINAALALAHANAN ni Senate President Francis Escudero ang kanyang mga kasama sa Senado na manatiling patas ngayon na naihain na ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Sa isang kalatas, sinabi ni Escudero na anumang pahayag na bibitiwan ng kanyang mga kasama ay posibleng maging daan para maikumpromiso ang inaasahang gagawing impeachment trial sakaling umusad nga ang complaint sa Mababang Kapulungan.
“While impeachment is often described as a political exercise, it is crucial that members of the Senate approach it with the impartiality and objectivity demanded of us,” pahayag ni Escudero.
Kung kaya, panawagan ni Escudero na mag-pokus na muna ang mga ito sa legislative agenda ng Senado.
“May mga pangangailangan ang ating mga kababayan. Kung may impeachment man o wala, hindi ito puwedeng pabayaan,” ayon sa senador.