Hindi raw sasali sa admin slate pero Imee present sa proclamation rally ng Bagong Pilipinas

KINAIN nga ba ni Senador at reelectionist Imee Marcos ang kanyang sinabi na hindi siya sasali sa administration slate?

Ito ay matapos dumalo ang senador sa kick off campaign rally ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Laoag City, Ilocos Norte, ngayong Martes, simula ng 90-araw ng campaign period.

Dahil dito, nabuo ang 12 pambatong senador ni Pangulong Bongbong Marcos. Ang 11 iba pa na present sa rally ay sina dating Senate President Tito Sotto, dating Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, mga reelectionist na sina Bong Revilla, Lito Lapid, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Makati City Mayor Abby Binay, Las Pinas Rep. Camille Villar, dating Interior Secretary Benhur Abalos at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo.

Matatandaan na sinabi ni Marcos noong Setyembre na mas gugustuhin niyang tumayo mag-isa at maging independent upang makapagsalita sa lahat ng partido.

“It’s a tremendous sacrifice to stand alone but I need to be free to cross the line to talk to all parties and to get things done,” ayon kay Marcos sa panayam sa kanya noong Setyembre.