Hiling sa Ombudsman: SALN nina Digong, Sara isapubliko

HINILING ng isang abogado sa Office of the Ombudsman (OMB) na isapubliko ang statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Vice President Sara Duterte para sa taong 2007 hanggang 2023.

Sa isang liham na ipinadala kay Ombudsman Samuel R. Martires noong Hunyo 5, hiniling ni Atty. Dino de Leon na ilabas ang SALNS ng mga Duterte dahil “matters of public concern” umano ang SALNs ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kung tatanggi ang Ombudsman, sinabi ni de Leon na mapipilitan siyang humingi ng “judicial at constitutional reliefs.” 

Ayon sa abogado, nakalulungkot ang naganap na “scandalous corruption of public funds” noong administrasyon ni dating Pangulong Duterte.

“As a citizen of the Republic, I am alarmed by these atrocious allegations on the mishandling of funds for the pandemic, especially considering that the plunder appears to have happened at a time when our country was facing a national crisis,” sambit niya.

“Even more, it appears that the plunder of the Filipino people’s money was ordered by [former] President Duterte himself when he authorized the unjustified transfer of P47.6 billion of funds from the Department of Health to the Procurement Service of the Department of Budget and Management,” hirit pa ng abogado.