NA-contempt muli si dating Presidential spokesperson Harry Roque at iniutos na siya ay muling i-detain sa Kamara hanggang isumite niya ang hinihinging dokumento sa kanya na Quad Com na nagiimbestiga kaugnay sa mga Philippine offshore gaming operators (Pogo) hubs.
Inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers ang mosyon ng Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Quad com nitong Huwebes na i-contempt si Roque dahil sa di pagsipot nito sa hearing.
“I move that we hold Harry Roque in contempt for refusing to submit the documents subject of this subpoena, of which he has manifested that he was going to submit to this committee,” ani Flores.
Ilan sa mga hinihinging dokumento kay Roque ay ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ito umano ay mahalagang dokumento para matukoy kung nakinabang si Roque sa operasyon ng mga Pogo hubs, ayon naman kay Batangas Rep. Gerville Luistro.
Hiniling din ni Flores na i-detain muli ang dating spokespeson hanggang magsumite ito ng dokumento o hanggang sa ma-disscove ang quad committee, na inaprubahan din ni Barbers.
Matatandaan na noong isang buwana ay idinitene rin si Roque sa Kamara ng 24 oras dahil sa pagsisinungaling sa nasabi ring komite.
Inililink si Roqoe sa Lucky South 99, ang ni-raid na Pogo hub sa Porac, Pampanga, matapos makita ang ilang dokumento rito na may signature niya.