UMAKYAT sa 12.2 porsiyento ang kagutuman sa bansa sa unang bahagi ng 2022 kung saan 3.1 milyong pamilya ang nagsabi na nakaranas sila nang walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey ng SWS mula Abril 19-27, 2022, tumaas ng 0.4 puntos mula sa 11.8 porsiyento noong Disyembre 2021 o 3.0 milyong pamilya at 10 porsiyento o 2.5 milyong pamilya noong Setyembre 2021.
Mas mababa naman ito ng 0.9 puntos kumpara sa 13.1 porsiyento ng taunang average para sa 2021.
Aabot sa 1,440 ang lumahok sa survey gamit ang face-to-face interview.