NABIKTIMA ng fake food delivery booking si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa huling araw niya sa puwesto.
Nagdatingan ang ilang delivery rider sa tapat ng Palacio del Gobernador para ihatid ang mga order na nakapangalan sa opisyal.
Pero tumangging bayaran ng tanggapan ng commissioner dahil hindi sila umorder ng pagkain.
Umabot sa P5,390 ang inorder na pagkain.
Binayaran naman ang mga pagkain ng mga grupo ng balikbayan na napanood ang ulat sa social media.
Ayon kay Guanzon, Martes pa ng gabi ay may dumarating ng order sa kanyang tanggapan.
“Since last night there are bogus food delivery orders to Comelec under my name. Police are investigating. Beware!” aniya sa Twitter.
Kontrobersyal ngayon si Guanzon makaraang akusahan ang kapwa commissioner na si Aimee Ferolino na iniipit ang resulta sa disqualification case ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.