INULIT ni Senador Grace Poe ang panawagan sa publiko na agad na tanggihan ang pekeng people’s initiative na isinusulong ng illan para bigyang-daan ang pag-amyenda ng Konstitusyon.
BAGAMA’T pinatigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang pangangalap ng lagda para isulong ang PI, muling pinaalalahanan ni Poe ang mga kapwa lingkod-bayan na ang kailangan ng mamamayan ay pagkain, maayos na trabaho, health care, edukasyon at kalidad na buhay.
“There is only one solution: stop this fake [people’s] initiative,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services.
Nanawagan din siya sa mga kapwa mambabatas sa Kamara na itigil ang pagsusulong sa PI at makipagtulungan na lamang para maiahon ang maraming mamamayan sa kahirapan.
“We, in the Senate, are ready to work and focus on the things that matter — and we hope the House [of Representatives] is ready to set aside this PI and do the same,” dagdag ng senador.
Kinuwestyon ni Poe at ng mga kasamahang senador ang isinusulong na PI dahil mismong mga pulitiko rin ang nasa likod ng nasabing hakbang.