PINALAGAN ni Senador Grace Poe ang pahayag ni Lito Banayo, campaign strategist ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno, na natalo si Fernando Poe Jr. dahil sa hindi pagdalo nito sa mga debate at interview.
Lumahok si FPJ, ang hari ng pelikulang Pilipino, sa pampanguluhang halalan noong 2004. Tinalo siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa gitna ng mga akusasyon ng pandaraya.
“For a campaign strategist as seasoned as Lito, I’m surprised he would largely attribute the results of the 2004 elections to a single aspect of the campaign. It’s almost as if he forgot about the ‘hello Garci scandal’ and other election-related issues of the past,” pahayag ng anak ni FPJ sa isang kalatas.
Giit ng senador na bagamat naniniwala anya siya sa kahalagahan ng debate, tiwala siyang hindi ito nakaapekto sa kandidatura ng kanyang ama.
“While I don’t discount the merits of a debate, I also don’t believe that the 2004 debates alone influenced the majority of the public to shift their preference and support,” pahayag pa ni Poe.
“I still believe that the Filipino people know their votes for FPJ were stolen. Even Sen. Lacson, Lito’s candidate then, can tell Lito that,” giit pa ni Poe.
Una nang sinabi ni Banayo na malaki umano ang naging epekto sa kandidatura ng yumaong aktor ang hindi pagsali sa mga debate at pagtugon nito sa mga panayam hinggil sa isyu ng kanyang disqualification case.
Inihalimbawa ni Banayo ang kaso ni FPJ sa hindi pagdalo rin ng frontrunner na si dating Senador Bongbong Marcos Jr., sa mga mahahalagang interview.