INILUNSAD ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang memoir na pinamagatan “Deus Ex Machina”.
Sinabi ni Arroyo na may pitong bahagi ang kanyang libro mula sa kanyang pagsilang, kasal, pagpasok sa politika, Edsa Uno, ang kanyang paninilbihan sa Department of Trade and Industry hanggang sa manguna siya sa 1995 senatorial elections.
Kasama naman sa ikalima at anim na bahagi ay ang kanyang pagiging pangulo at speaker nitong mga huling taon.
“One of the things I am most proud of is my role in ending our decades-old cycle of economic booms and busts. I left the presidency with 38 quarters of uninterrupted economic growth, so our economy was ready to grow further under the presidencies of my successors,” aniya.