Garma sumibat pa-US, dakma, ibabalik sa Pinas

NADETINE si dating PNP official Royina Garma at ang anak nitong si Angelica Garma Vilela, sa San Francisco, California, ayon sa Department of Justice.

Hinuli ang mag-ina dahil sa kanselado nilang US visa.

Lumabas ng bansa si Garma at anak nito patungong Estados Unidos noong Nob. 7.

“In a recent report, the Philippine National Police (PNP) and the Department of the Interior and Local Government (DILG) confirmed the arrest and detention of former Police Colonel Royina Garma and Angelica Garma Vilela in San Francisco, California, USA, on November 7, 2024,” ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inatasan na niya si Immigration Commissioner Joel Viado na tiyakin na mapapabalik sa bansa ang mag-ina.

“We are committed to seeing justice served in every case and to upholding the integrity of our justice system, especially when it involves our country’s significant issues and concerns,” pahayag ni Remulla.

“While we work to ensure the safe return of Ms. Garma, we trust that she will remain cooperative with all ongoing investigations,” dagdag pa nito.

Matatandaan na si Garma ang nagturo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nag-offer ang huli ng cash rewards para sa mga drug suspect na mapapatay bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon sa isinagawang pagdnig ng Quad Committee.