NAGHAIN ng disbarment complaint sa Korte Suprema laban kay Vice President Sara Duterte si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ngayong Miyerkules dahil sa ginawang pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Hiniling ni Gadon sa Korte Suprema na aksyunan nito ang ginawa ni Duterte na ilegal, imoral at condemnable.
“Such statements coming from the second highest official of the land, seen and heard by millions of Filipinos are undoubtedly illegal, immoral and condemnable. As a lawyer herself, she should be disbarred,” pahayag ni Gadon.
“While it may be alleged that the intent has not been consummated, nevertheless the statement revealed a fully constituted plan for murdering (the) three above individuals as she further affirmed that the assassination plot is not a joke,” dagdag pa nito.
Matatandaan na sinabi ni Duterte sa isang press conference online na may kinontrata na umano siyang assassin na papatay kay Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez sa sandaling siya ay mapatay.
Kinondena ng mga kaalyado ni Marcos ang pahayag ni Duterte habang isinusulong naman na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon.