UMATRAS na sa senatorial race si Francis Leo Antonio Marcos ngayong Huwebes.
Paliwanag niya, ayaw niyang gumastos nang malaki ang pamahalaan para lang maisama sa pag-iimprenta ang kanyang pangalan matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa Commission on Elections (Comelec) na nagdeklara sa kanya bilang nuisance candidate.
“Nang marinig ko si Chairman [George] Garcia’s nagagastos ang gobyerno ng P132 milyon para sa pag-imprenta ng bagong balota, kung mahal ko ang bansans ito dapat alam ko kung paano ako makakatulong,” ayon kay Marcos.
Anya ayaw niyang maging pabigat sa gobyerno kung gagastos nang malaki ang pamahalaan para lang maisama ang kanyang pangalan sa bagong balota.
Marami pa anyang halalan ang darating para doon siya sumali.
Nanawagan naman siya sa mga supporters na ang botong ibibigay sa kanya ay ibigay na lang din sa kapwa niya Marcos, na ang tinutukoy ay ang reelectionist na si Imee Marcos.