TINIYAK ng Palasyo na tinututukan ng pamahalaan ang isyu ng fake news matapos ihayag ng Pulse Asia na siyam sa 10 Pinoy ang nagpahayag ng pagkaalarma sa pagkalat nito sa bansa
“Ito po ay isang seryosong bagay na tututukan ng OPS,” sabi ni Office of Press Secretary (OPS) Officer-in-charge Cheloy Garafil.
Nauna nang lumabas sa survey ng Pulse Asia na 90 porsiyento ng mga Pinoy ang nagpahayag ng pagkaalarma sa paglaganap ng fake news sa bansa.
“Kaya nga ngayon mayroon kaming mga programa na ili-laydown in the coming days. Kasi gusto rin talaga natin na ma-address itong mga problema ng fake news,” aniya.