ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) commander Moro Virgilio Lazo bilang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinumpirma ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge (OIC) Undersecretary Cheloy ang pagkakahirang ni Lazo.
Papalitan ni Lazo si PDEA chief Wilkins Villanueva.
Bukod sa pagiging hepe ng SAF, nagsilbi rin si Lazo bilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong administrasyon ng yumaong Pangulong Fidel Ramos.