DAHIL sa walang humpay na pagsisinungaling, i-cinite in contempt ng Senado ang dating ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jonathan Morales sa isinagawang pagdinig ngayong Lunes.
Inihain ni Senador Jinggoy Estrad ang mosyon para i-contempt ang dating PDEA agent dahil sa sunod-sunod umano nitong pagsisinungaling sa hearing ng Senate committee on dangerous drugs hinggil sa sinasabing mga ini-leaked na dokumento na nagdadawit kay Pangulong Bongbong Marcos sa paggamit ng ilegal na droga.
Ang sinasabing mga leaked documents ay diumano ay tumutukoy sa PDEA’s authority para mag-conduct ng operasyon at pre-operation report na may petsang Amrch 11, 2012 laban kay Marcos at iba pang mga kilalang personalidad.
Si Morales ang isa sa mga nakapirma sa sinasabing kuwestyunableng dokumento.