BINAWI rin ni dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos ang kanyang pahayag laban kay Senador Leila De Lima kaugnay sa diumano’y kaugnayan ng huli sa ilegal na droga.
Sa affidavit na kanyang nilagdaan noong Abril 30, 2022 sa Pasig, sinabi ni Ragos na pinilit umano siya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tumestigo laban sa senador na ay nakakulong simula pa noong 2017 sa Camp Crame dahil sa kasong illegal drugs.
Idinawit ni Ragos si De Lima sa ilegal na operasyon ng droga nang humarap ito sa House justice committee noong 2016 na duminig sa isyu ng illegal drugs sa NBP.
“I just want to clear something that has been on my chest since this has been concealed for so long,” ayon kay Ragos base sa report ng Inquirer.net.
“It doesn’t matter if these people would get mad at me, what matters here is the truth. Those who did wrongdoings would be mad. What do I care?” dagdag pa nito.
Bago ito, nauna nang binawi ng drug dealer na si Kerwin Espinosa ang kanyang pahayag na nagdadawit sa senador sa ilegal na droga.