ISANG dating opisyal ng pamahalaan ang gustong gumawa ng pera sa pamamagitan ng panloloko.
Ang style niya ay uutang sa ilang mga negosyante at gagawin niyang collateral ang umano’y napipintong appointment niya sa Bureau of Customs.
Imbes na magtrabaho, itong si “Botchok” ay mas pinili pa niyang mang-scam ayon sa aking spotter.
Bukod sa pangungutang sa mga rich kid na businessmen ay mahilig rin itong magpalibre sa ilan sa kanyang mga target na lokohin.
Weakness daw niya kasi ang food ayon rin sa mga nakakakilala sa kanya.
Si dating Mr. Government Official ay sinibak sa pwesto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sinasabing paglustay sa pondo ng gobyerno.
Ang kanyang tanggapan dati ay nakatoka sa paglilinis sa mga estero at ilog sa Metro Manila.
Naubos ang pondo pero nanatiling madumi ang mga estero ayon sa aking spotter.
Noon pa man ay ambisyon na niyang maitalaga sa Customs at hanggang ngayon ay ito ang puhunan ng dating opisyal sa mga ginagawa niyang diumano’y panloloko.
Kasama niya sa raket na ito ang kanyang matagal nang bagman na suma-sideline bilang negosyador.
Papangakuan nila ng kontrata ang kanilang mga target biktimahin pero hihingan nila ito ng advance payment o kung anumang pabor ang kanilang naiisin.
Syempre mamumuti ang mga mata ng kanyang pangangakuan dahil sa totoo lang ay marami na ang nakakaalam sa kanyang mga kalokohan.
Iyun ang dahilan kaya dapat mag-ingat ang administrasyon dahil buhay na buhay na naman ang modus ang mamang ito.
Ang dating opisyal na gobyerno na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. G…as in Goliath.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]