Erap, GMA dadalo sa pa-meeting ni Digong

PAYAG sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo na makipagpulong kay Pangulong Duterte ukol sa isyu na may kinalaman sa West Philipine Sea.


Ayon kay dating senador Jinggoy Estrada, gusto-gusto ng kanyang ama na dumalo sa pulong, pero depende ito kung papayagan ng kanyang doktor.


Matatandaang kagagaling lamang sa Covid-19 ng matandang Estrada.


Sinabi naman ng tauhan ni Arroyo na tinanggap na ng dating presidente ang imbitasyon ni Duterte.
Wala pang iniisyung pahayag si dating Pangulong Fidel Ramos.


Hindi naman dadalo si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahit pa imbitahan ni Duterte.


Matatandaang inanunsyo ng Palasyo na imbes na bumuo ng national security council upang pag-usapan ang isyu ng WPS, plano ni Duterte na kumonsulta na lang sa mga dating pangulo.