NAGDADALAMHATI ang dating aktor at gobernador ng Laguna na si ER Ejercito sa pagkamatay ng asawang si Maita Sanchez, ang aktres na naging alkalde ng Pagsanjan.
Sumakabilang-buhay si Maita, 55, sa sakit na endometrial cancer. Linggo ng umaga nang pumanaw ito sa isang pagamutan sa Quezon City.
Mayroong anim na anak sina ER at Maita.
“Our family is requesting prayers and mass offerings for the repose of her soul,” Ejercito said.
Naging mayor si Maita, Girlie Javier Ejercito sa totoong buhay, mula 2010 hanggang 2019 at vice mayor mula 2019 hanggang 2022.
“Mayor Maita was an outstanding multi-awarded local chief executive who brought life, joy and integrity into significant programs and projects of Pagsanjan, which is now recognized as the tourist capital of Laguna,” ani ER.
Nakaburol ang mga labi ni Maita sa Don Porong Ejercito Ancestral Mansion sa Pagsanjan.