BUHOS ang tweets ng mga fans ng 90s band na Eraserheads at nagbubunyi dahil matutuloy na raw ang pinakaabangang reunion ng banda.
Ito ay matapos magdeklara at makapag-file na rin ng kanyang certificate of candidacy si Vice President Leni Robredo bilang pangulo nitong Huwebes.
Kamakailan ay inurot ni Eraserheads lead vocalist Ely Buendia na posibleng magkaroon ng Eheads reunion concert ang grupo sa sandaling tumakbo si Robredo sa pagkapangulo.
“Pag tumakbo si Leni,” ito ang naging sagot ni Ely sa isang tweet nang tanungin ito kung kailan magkakaron ng reunion ang sikat na banda noong 1990s.
Huwebes ng umaga ay nagdeklara si Robredo na tatakbo sa pagkapangulo at kinahapunan ay pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy bilang independent presidential candidate.
Ilan sa mga tweets ay ang mga sumusunod:
“eraserheads reunion confirmed tnx maam leni,” ayon sa isang netizen.
“Eheads reunion here we goooooo 💗💓💞💘💝💖💕.”
“HANDA NA BA ANG MGA ERASERHEADS FANS DIYAN! SIGAW!”
“ERASERHEADS ASAN NA ANG REUNION.”