RUMESBAK si Pangulong Duterte kay dating Chief Justice Antonio Carpio sa pagsasabing nawala ang West Philippine Sea (WSP) sa Pilipinas nang siya ang maging pangulo ng bansa.
“Alam mo, isang tanong lang ako kay Carpio pati kay Albert. Kung bright kayo, bakit nawala ang West Philippine Sea sa atin? Panahon ninyo ‘yon eh. Panahon ninyo na talagang nandiyan kayo sa puwesto. Eh kung bright kayo, bakit nawala ang — ?” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Miyerkules ng gabi.
Nauna nang binatikos si Duterte sa kawalan ng aksyon sa ginagawang pananatili ng mga barko ng China sa WPS.
“Ngayon na ang China ang nandoon — ang China na ang naghahawak doon, ako na ‘yong — ako na ‘yong niluluslos ninyo na maggawa ng paraan,” ayon pa kay Duterte.
Una na ring itinanggi ng Palasyo ang umano’y verbal na kasunduan sa pagitan ni Duterte at Chinese President Xi Jin Ping na kung saan pinapayagaang mangisda ang mga Tsino sa WPS.
Duda rin si Duterte na may bansang tutulong sa Pilipinas para makaipag-gera sa China.
“Alam mo ang — ang kabuuan ng — ? They just don’t know how. Paper? China… What more could be a by more binding order or an international pressure? Eh ‘di ‘yong tribunal. Wala nang makatalo sa atin doon. Walang — nobody in the United Nations will go to war for us,” giit ni Duterte.