HINAMON ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan na nito ang imbestigasyon sa kanyang war on drugs dahil baka mamatay na siya bago pa masimulan ito.
Ito ang naging tugon ni Duterte sa harap ng Quad Committee sa pagdinig nitong Miyerkules habang tinatanong ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.
Tinanong ni Brosas si Duterte kung makiki-cooperate ito sa ICC kung sisimulan nito ang imbestigasyon.
“ICC, Ma’am? I am asking the ICC to hurry up, and if possible, they can come here and start the investigation tomorrow; this issue has been left hanging for so many years,” pahayag ni Duterte.
“Ang tagal, Ma’am, baka mamatay na ako hindi na nila ako ma-imbestiga. So I’m asking the ICC through you na magpunta na sila dito bukas, umpisahan na nila investigation,” dagdag pa nito.
Sinabi rin nito na tatangapin niya kung ano man ang ihahatol sa kanya ng ICC, makulong man siya.
“And if I am found guilty I will go to prison and rot there for all time,” dagdag pa nito.