HINIKAYAT nina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na maging mabuting halimbawa sa kanila at maging katulad nila ang bayaning si Andres Bonifacio.
Ito ang sinabi nina Duterte at Robredo kasabay ng pagdiriwang ng ika-158 birth anniversary ng bayaning si Bonifacio.
“I invite every Filipino to become a hero like Bonifacio by participating actively in our nation-building efforts, especially those challenges times when we have to secure our nation’s health, safety, and wellness,” ani Duterte.
“In this light, I call on our kababayans to emulate Gat Andres Bonifacio’s strong sense of civic duty, courage, love of country in our daily lives even in the simplest ways. May we be challenged to give our very best for the benefit of our people and nation,” dagdag nito.
Para naman kay Robredo, dapat tumindig ang mga Pilipino kagaya ng ginawa ni Bonifacio.
“Tumindig si Bonifacio, at nagsilbi itong inspirasyon sa pagtindig ng marami pang iba,” pahayag ni Robredo.
“Nagsisilbi siyang inspirasyon hanggang sa ngayon: Binabalikan natin ang kanyang halimbawa sa tuwing kailangan nating itaya ang lahat sa ngalan ng katarungan at makataong lipunan,” dagdag pa ng bise-presidente.
Tumatakbo si Duterte sa pagkasenador sa eleksyon 2022 habang si Robredo naman para sa pagkapangulo.