IMBITADO sina outgoing President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa inauguration ni incoming Vice President Sara Dutere-Carpio sa Hunyo 19, ayon sa kanyang spokesperson.
“President Rodrigo Roa Duterte, Vice President Leni Robredo, all past presidents and vice presidents, and President-elect [Ferdinand] Bongbong Marcos were invited to the inauguration of Vice President-elect Sara Duterte,” sinabi ni Liloan Mayor Christina Frasco, spokesperson ni Duterte-Carpio.
Wala pang kumpirmasyon ang Malacañang kung dadalo ang Pangulo sa naturang event.
Si Duterte, na ang anim na taong termino ay magtatapos sa Hunyo 30, ay hindi dumalo sa proclamation ceremony ng kanyang anak na babae sa House of Representatives noong Mayo 25.