Duterte pinamamadali pagbubuwis sa POGO

KINUMPIRMA ng Palasyo na sinertipikahan na ni Pangulong Duterte bilang urgent ang panukala na nagsusulong para buwisan ang Philippine Offshore Gaming Corporation.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, certified as urgent na ang Senate Bill No. 2232 o ang “An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations, Amending for the Purpose Sections 22, 25, 27, 28 and Adding a New Section 125-A of the National Internal Revenue Code of 1997, As Amended, and For Other Purposes.” 



Ayon kay Roque, ang panukala ang magbibigay-daan sa gobyerno hindi lamang sa pagkalap ng pondo kundi para maisaayos o ma-regulate ang industriya.