PINAG-IISIPAN na ni Pangulong Duterte ang kanyang nominasyon bilang kandidato para sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Noong Lunes ay nagpanukala ang ruling PDP-Laban national council na kumbinsihin si Duterte, ang chairman ng partido, na tumakbo sa halalan.
“Sa lahat ho ng nagtatanong kung ano ang kasagutan ng Presidente, ang kasagutan po ay pag-iisipan po niya. Siyempre po siya ay na-nominate, kinakailangan pag-isipan,” aniya.
“On the one hand, sabi niya nakapagsilbi na siya sa bayan, on the other hand, ang sabi niya iisipin niya kung anong pinakamabuti para sa bayan. Iyon po ang kasagutan ng Presidente,” dagdag ni ni Roque.
Nauna nang isinulong ng ilang miyembro ng PDP-Laban ang posibleng Duterte-Duterte tandem kung saan magiging katambal ng Pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte, na kinukumbinse rin na tumakbo bilang Pangulo. –WC