PINAHIHINTO na ni Pangulong Duterte ang operasyon ng e-sabng.
Ito ay base na rin sa isinumiteng rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año, ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
“Pinag-aralan ni Secretary (Eduardo) Año through a survey…The recommendation of Secretary Año is to do away with e-sabong and he cited validated reports coming from all sources. So it’s his recommendation and I agreed with it. So e-sabong will end tonight or bukas,” ani Duterte.
Nauna nang sinabi ni Duterte na magdedesisyon siya sa kahihinatnan ng e-sabong sa harap ng mga ulat na pagkakagumon sa bisyo ng maraming Pinoy dahilan para sa pagkasira ng buhay, pamilya at pagkakansala ng mga ari-arian.
Umaabot sa P640 milyon ang kita ng pamahalaan sa e-sabong kada buwan.