NAGBABALA si Pangulong Duterte ng constitutional crisis sakaling ipaaresto ng Senado ang mga hindi dadalo sa pagdinig.
“Now, kayong mga senador, you might be offended by my words now. Eh ‘yung kasama ninyo sabihan ninyo. Eh ‘pag hindi rin kayo makaprangka, gusto niyong sumali sa rumble, eh ‘di mag-rumble tayo. Then I said there will be a constitutional crisis,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People na inere Huwebes ng gabi.
Ipinag-utos ni Digong ang hindi na pagdalo ng mga miyembro ng Gabinete sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa Pharmally.
Inatasan niya rin ang mga pulis at militar na huwag arestuhin ang mga ipinaaresto ng Senado na hindi dadalo sa pagdinig.
““As commander-in-chief of all uniformed personnel and government I am ordering the police and the military to stay out of this trouble,” dagdag pa ni Duterte.
“Huwag kayong sumali, huwag kayong sumunod kasi may krisis na tayo,” anya pa.
Iginiit ni Duterte na iniutos niya ito dahil ang pinuno ng blue ribbon committee na si Gordon ay “using his powers in a reckless manner and gone out of bounds amounting to lack of jurisdiction.”