AYAW paawat si Pangulong Duterte sa pagtatanggol sa kanyang administrasyon laban sa inilunsad nitong laba gera kontra ilegal na droga.
“Unconstitutional daw ‘yung drug war. Eh sabi ko, ‘dre, magkaiba ang libro natin. You must have the wrong theories about humanities and all. Subukan mo dito sa trabaho ko,” sinabi ni Duterte sa kanyang speech matapos inspeksyunin ang National Academy of Sports sa New Clark City.
“If it is unconstitutional, so be it. I will do it. I don’t give a s*** if you have to know,” dagdag pa niya.
Muli niyang iginiit na pananagutan niya ang war on drugs hangga’t naipatutupad ito na naaayon sa batas.
“I never said go out and go on a shooting spree and kill human beings…only those who will destroy my country. And in doing drugs, you are really going to destroy it,” ayon sa Pangulo.