UMAASA si Vice President Leni Robredo na magiging tapat so Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).
“I expect the President to be very honest about the current state of the nation kasi we’re in the middle of the pandemic and we want to hear all the good things that we hope for,” ani Robredo sa isang panayam.
Dagdag niya makatutulong sa mga Pilipino kung totoo ang isisiwalat ni Duterte sa totoong sitwasyon ng bansa sa gitna ng pandemya.
“The anxiety comes from not knowing where we are or what we hope to expect in the coming months,” aniya.
Umaasa rin si Robredo na hindi na puro banat sa mga kritiko ni Duterte ang laman ng kanyang SONA.
“I don’t know if optimistic would be the correct term but I would hope that it would be that way,” dagdag ng bise presidente.