ASA pa ba kayo na magsasama sina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo para sa isang infomercial?
Ngayon pa lang ibinasura na ng Palasyo ang ideya na pagsamahin sina Duterte at Robredo sa isang infomercial na naglalayong mahiyakat ang mas maraming Pinoy na magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nauna na kay Robredo ang pamumulitika matapos nitong kwestiyunin ang mga bakuna na gawang-China.
“So parang I cannot see na i-endorso niya pare-pareho. Sana po, kung masasabi niya iyan, eh matuloy iyon, pero alam po ninyo ginawa talagang pulitika pati itong bakuna. Kaya nga po sinabi nila itong Chinese ginagamit natin kapalit ng WPS, naalala ninyo iyong panahon na iyon, na sinasabi inferior daw ang Chinese, eh hindi naman po totoo, dahil napapatunayan na ngayon sa mga pag-aaral na kapareho lang ng efficacy rate,” sabi ni Roque.
Nauna nang ipinanukala ni Senator Joel Robredo na pagsamahin sina Duterte at Robredo sa isang infomercial para mas maraming Pinoy na makumbinsi na magpabakuna bilang proteksyon laban sa coronavirus disease.
“Sa atin po, sana po masabi mismo ni Vice President iyon, simulan po natin doon at kung masasabi niya na pantay-pantay talaga lahat ng bakuna at isasantabi niya iyong pulitika, eh pag-aaralan natin iyan, bakit naman hindi. Pero ang tanong: masasabi ba iyon?” dagdag ni Roque.