Duterte: I have done my best

ILANG buwan sa kanyang pwesto, naniniwala si Pangulong Duterte na ginawa niya ang lahat ng naipangako niya, lalo’t sa hanay ng militar.

“Minsan sa gabi na hanggang umaga, mahinto ako nang sandali, mag-inom ako ng tubig or ang paborito ko kasi kape rin, I am comfortable with the thought that I have done my best, lalo na ‘yung ipinangako ko sa military,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.

Idinagdag ni Duterte na napakahalaga ng relasyon ng isang pangulo sa pulis at militar para magtagumpay siya sa kanyang administrasyon.

“Doon ang success ko sa pagka-military ko, I attribute it to the military and the police. Kung wala sila, wala,” ayon pa kay Duterte.