Duterte: Hindi ako kinokontrol ni Bong Go

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kinokontrol ng kanyang presidential aide na si Senador Christopher “Bong” Go.

Ito ang naging pahayag ni Duterte matapos sabihin ni retired Army officer at presidential aspirant Lt. Gen. Antonio Parlade na kinokontrol ni Go ang mga desisyon ng pangulo.

“He is here to do his duty so that I have somebody to ask [questions about health],” .

“He handles health. So it’s good that he’s here.”

Una na ring itinanggi ni Go ang mga pahayag ni Parlade. Aniya, tumutulong lamang siya sa pagpapatupad ng mga desisyon ng pangulo.

Kasama sa mga desisyong ito ay ang pagtulak na taasan ang suweldo ng mga opisyal ng militar at pulisya, ani Go.