IIMBITAHAN ni Pangulong Duterte si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa susunod niyang public address upang pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea (WPS).
“We have respectfully invited Senator Enrile to come here kasi hindi naman ako puwedeng lumabas na mag-usap. Pakinggan natin siya, hindi na ako magsalita,” ani Duterte.
“Makikinig lang ako sa kanya kasi he was there right at the beginning, so sa kanya ako makinig. Sa kanya ako bilib sa utak at pag-intindi nitong problema, itong ating West Philippine Sea,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi ni Duterte na tatalakayin ni Enrile ang katotohanan sa pagpapaurong ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa mga miyembro ng Coast Guard sa gitna ng girian nito sa China sa WPS noong 2014.
“But I am sure, hopefully, I hope that Senator Enrile would accept the invitation to be our guest here, Monday. Kasi, more or less, isa siya sa mga tao na nirerespeto ko talaga intellectually,” ayon pa kay Duterte.