NAIS ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na gawing prayoridad ng Kamara ang imbestigasyon sa “secret deal” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China kaugnay sa paglimita ng bilang ng ipinapadalang sundalo sa Ayungin Shoal.
“Now that Duterte has finally admitted on entering a secret deal with China, it is imperative that Congress hear House Resolution 1216 that we have filed as early as last year,” sabi ni Castro.
“We must know all that there is to this unpatriotic deal, and the ones responsible should be held accountable. Baka naibenta na pala ni Duterte ang West Philippine Sea ay di pa natin alam,” dagdag niya.
Matatandaang pumayag si Duterte sa status quo sa Ayungin Shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre na ginagawang kampo ng mga sundalo.
Napag-alaman na kasama sa kasunduan ang hindi pagpapadala ng mga gamit upang makumpuni ang barko at ang pagpapadala lamang ng pagkain at tubig para sa mga sundalo.
“We demand full disclosure of the details of this secret agreement. The Filipino people have the right to know what compromises were made and what implications these have on our country’s territorial integrity,” pahayag pa ni Castro.