Duterte binabalewa ng China?

ITINANGGI ng Palasyo na hindi pinansin ng China ang hiling ni Pangulong Duterte para sa paglayas ng mga sasakyang pandagat nito sa West Philippine Sea.


Sa katanuyan, ani presidential spokesperson Harry Roque, umalis na sa ecomic zone ng Pilipinas ang 201 sa 240 sea vessels ng China.


Sinabi ni Roque na nagsilayas ang mga ito makaraang makipag-usap si Duterte kay
Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.


Idinagdag niya na nagdesisyon ang China na umatras dahil sa “message of the President and the warm relations that we enjoy with China.”


“Hindi po totoo na in-ignore ang ating Presidente,” giit ni Roque. “Doon sa natitirang kaunti, we are still hoping aalis sila “


Matatandaang sinabi ni Duterte na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China pero ipaglalaban umano nito ang karagatang sakop ng bansa.