Duterte atras sa debate: ‘Si Roque haharap kay Carpio’

HINDI makikipagdebate si Pangulong Duterte kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio ukol sa mga isyu na may kaugnayan sa West Philippine Sea, ayon sa Malacañang.


Ginawa ni Duterte ang desisyon makaraang payuhan ng mga miyembro ng Gabinete, na nagsabing walang magandang maidudulot na mabuti sa bayan ang pakikipagbalitaktakan niya kay Carpio.


Imbes na si Duterte, si presidential spokesman Harry Roque ang makikipagdebate kay Carpio.


Sa kanyang public address noong Miyerkules, sinabi ni Duterte na kasama si Carpio sa nagdesisyon na paatrasin ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas nang makaengkwentro nito ang China sa Scarborough Shoal noong 2012.


Nangako siyang magbibitiw sa puwesto kapag napatunayang mali ang kanyang sinabi bago hinamon sa debate si Carpio.


Itanggi naman ni Carpio ang sinabi ng Pangulo bago tinanggap ang hamon na debate ni Duterte.