BINAWI ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang pagdadawit niya kay Senador Leila De Lima sa droga na una niyang inihayag sa Senate hearing.
Sa kanyang counter affidavit, sinabi pa ni Espinosa na walang katotohanan ang mga nasabi niya sa una niyang isinumiteng affidavit laban sa senador.
“Any statement he made against the Senator are false and was the result of pressure, coercion, intimidation, and serious threats to his life and family members from the police who instructed him to implicate the Senator into the illegal drug trade,” ayon sa counter-affidavit.
Humingi rin si Espinosa ng paumanhin sa senador sa pagdawit dito sa droga.
“For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” dagdag pa nito.
Tinukoy rin nito na ang mga nasabi niya laban sa senador ay bunga lamang ng “pressure, pamimilit, intimidasyon, at seryosong mga banta sa kaniyang buhay at kaniyang pamilya”.
Si De Lima ay reelectionist ngayong darating na eleksyon, at kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame.