INATASAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Overseas Workers Welfare Administration na madaliin ang imbestigasyon sa pagbili ng overpriced na sanitary napkin ng ahensya na nasilip kamakailan ng Commission on Audit.
“Meron na akong direktiba to investigate, to require the people involved to immediately answer the complaint as presented sa report ng COA,” ani Bello na naka-home quarantine matapos magpositibo sa Covid-19.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Bello na na-shock siya ulat.
Pero mas lalo umano siyang nagulat nang malaman na hindi mahagilap ng COA ang MRCJP Construction and Trading sa Pasay City kung saan binili ang mga sanitary napkin
“As soon as my prima facie evidence macha-charge ‘yung whoever is responsible and will be placed under preventive suspension,” dagdag ni Bello.
Bago ito ay kinilala ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na si Deputy Administrator Faustino Sabares III ang responsable sa pagbili ng pasador. –A. Mae Rodriguez