NAGHAIN ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa Chinese Coast Guard dahil sa ilegal na aksyon nito noong isang buwan.
Matataandaan na inalmahan ng Pilipinas ang isa na namang pambu-bully ng China ng agawin nito ang rocket debri na nakuha ng Philippine Nay sa Pag-asa Islan noong Nob. 20.
Una nang naghain ng note verbale ang Pilipinas noong Nobyembre 24 at sinundan muli ito ng isa pa noong Disyembre 12.
“Specific to the rocket debris retrieval operations of the Philippine Navy, the DFA has undertaken appropriate diplomatic action to protest and make known our views on the illegal actions of the CCG (Chinese Coast Guard) on 20 November 2022,” ayon sa DFA.