Digong walang konek sa Davao Death Squad–Palasyo

IGINIIT ni presidential spokesperson Harry Roque na walang ebidensya na nag-uugnay kay Pangulong Duterte sa mga pagpatay ng vigilante group na Davao Death Squad (DDS).


Ito ang resbak ni Roque sa sinabi ng International Criminal Court na mayroong koneksyon ang mga patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang gera ni Duterte kontra droga.


“I investigated the Davao Death Squad. I concluded that while the Davao Death Squad does exist, there is no evidence linking the President to the Davao Death Squad,” pahayag ni Roque sa isang panayam.


Bago naging Pangulo, si Duterte ang alkalde ng Davao City mula 1988 hangang 1998, 2001 hanggang 2010, at 2013 hanggang 2016.


Ibinasura rin ng opisyal ang pag-amin ng mga umano’y dating miyembro ng DDS na Arturo Lascañas at Edgar Matobato na si Duterte ang nag-utos ng mga pagpatay.


“I knew about them even before. We went to the site where they allegedly buried bodies. We only found the skeleton of a dog,” ani Roque.