UMAPELA si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababayan nitong Davaoeño na patuloy na suportahan ang kanyang pamilya na ilang dekadang naglingkod sa syudad.
Sa kanyang Christmas message na inihayag sa isang malaking pagtitipon sa kanilang bahay sa Taal, Bangkal, ipinaalala ni Digong sa mga taga Davao City na wala silang ginawang masama sa syudad.
“It is here where I started. Your support extended even to my children—Sebastian, Inday Sara, and Pulong,” pahayag ni Digong sa Bisaya.
Present din sa pagtitipon ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na ngayon ay nahaharap sa tatlong impeachment complaint.
Sinasabing umabot sa mahigit 50,000 ang dumalo sa pagtitipon.
“With your support, the next time Sara faces you, she could be the second Duterte to become president,” dagdag pa nito.