INAMIN ni Pangulong Duterte na nagkamali siya nang kanyang ipangako na tatapusin ang problema sa ilegal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.
“When I became president, ganito sabi ko, ‘I can clean it in six months.’ And after that, I realized, nagkamali talaga ako,” ayon kay Duterte nang pangunahan ang pagsisinaya ng Cebu-Cordova Link Expressway sa Cordova, Cebu nitong Miyerkules.
“Maybe it’s hubris, it was campaign time, payabangan naman ‘yang kampanya,” dagdag pa ni Duterte.
Ayon pa sa pangulo, hindi niya alam kung gaano kalala ang problema sa droga sa bansa at lalo pa umanong kagulat-gulat dahil anim na heneral ng PNP ang sabit sa droga.
“Eh pagdating ko sa Maynila, dala-dala ko ‘yung chief of police ko, iyang si Bato, anak ka ng… Pag — iyong binuksan na ‘yung records, paano ako maka…? Six generals of the PNP were playing with drugs,” aniya.
Nahaharap si Duterte sa kasong crime against humanity sa International Criminal Court dahil sa mga pagpatay dahil sa ipinatupad ng pamahalaan na kampanya laban sa ilegal na droga.