PINANGALANDAKAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na inutusan niya ang mga pulis na “urutin” ang mga suspek na lumaban sa kanila para may dahilan silang patayin ang mga ito.
Sa kanyang pagpaharap sa Senate subcommittee on blue ribbon, inamin ni Duterte na sinabihan niya ang mga pulis noong kanyang administrasyon na “i-encourage ang mga ito na lumaban”.
“Ang sinabi ko ganito, prangkahan tayo, encourage the criminals to fight, encourage them to draw their guns,” ayon sa 79-anyos na dating pangulo.
“Yan ang instruction ko, encourage them, lumaban, pagka lumaban, patayin ninyo para matapos na ang problema ko sa syudad ko,” sabi pa nito nang tinatanong siya hinggil sa Davao Death Squad (DDS) na binubuo diumano ng mga pulis ng Davao City na nasa likod ng mga pagpatay sa mga crime suspects.