NAGBOLUNTARYO si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging abogado ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte sakaling tuluyang umusad ang impeachment laban sa huli.
Ibinida ni Sara na inalok ng kanyang ama ang sarili para maging kanyang abogado nang magdiwang sila ng Noche Buena.
Nahaharap sa tatlong impeachment complaint si Sara kaugnay sa hindi maipaliwanag na confidential funds na ginugol ng kanyang tanggapan sa Office of the Vice President at dating hinahawakang Department of Education (DepEd).
Inalok ng ama ang kanyang tulong sa anak matapos tanggihan nito ang financial support na una nitong inalok.
“Sabi niya na, since hindi ko tatanggapin ‘yung pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya, he will be a collaborating counsel for all cases,” kwento ni Sara.