Digong sa drug war: I did what I had to do

NANINDIGAN si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad ng kanyang pamahalaan na war on drugs na nagresulta sa pagkamatay ng maraming indibidwal.

“I did what I had to do because kailangan kong gawin. Why? To protect the people and my country,” ayon kay Duterte nang ma-ambush ng media bago pa man siya sumalang sa pagdnig ng Senate blue ribbon committee Martes ng umaga.

Si Duterte ang nasa sentro ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon matapos makapagtala ng 6,252 na nasawi sa mga isinagawang anti-drug police operations noong 2016 hanggang 2022.

“I am here to make an accounting of what I did as President so walang problema,” daga pa nito.