INIMBITAHAN na ng quad committee ng House of Representatives si dating Pangulong Rodrigo Duterte para magbigay linaw hinggil sa war on drugs na ipinatupad ng kanyang administrasyon.
Umaasa ang quad committee na sisiputin ni Duterte ang pagdinig sa Oktubre 22.
Inimbitahan ang dating pangulog upang makapagbigay ng “valuable insights” hinggil sa isinasagawang pagdinig ng komite, ayon sa imbitasyon na pirmado ng quad com chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na may petsang Okt. 18.
“[T]he Joint Committee respectfully invites you to attend the said inquiry to provide valuable insights and shed light on the issues under discussion, particularly on extra-judicial killings,” ayon sa imbitasyon na inilabas sa media nitong Linggo.
Una nang ibinalita ng Sonshine Media Network na sinabi umano ni Duterte na handa siyang humarap sa pagdinig na isinasagawa ng Kamara at Senado.
“And because there are many persons already called or about to be called, baka may ibang tao pa mag-ano … It’s all about me, edi ako na lang (then it’s better if it’s just me). Bakit pa yung ibang tao? Ako na mismo ang tawagin nila,” ayon sa bahagi ng report na may video ng dating pangulo.