PANGUNGUNAHAN ngayong Linggo ni Pangulong Duterte ang huli niyang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bilang pangulo ng bansa, sa Rizal Park, ngayong Lingo, Hunyo 12.
Ito ang ikatlong pagkakataon na dadalo si Duterte sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan — ang una ay noong 2018 sa Kawit, Cavite; at noong 2021 sa Malolos, Bulacan.
Pagkatapos ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, tutuloy si Duterte sa Port Area sa Maynila para pangunahan ang pagpapangalan at commissioning ng BRP Melchora Aquino, isang 97-metro na multi-role response vessel na gawa ng Japan para sa Philippine Coast Guard.
Lalahok din si Duterte sa paglulungsad ng Philippine Railways Institute Interim Simulator Training Center ng Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City.
Ito ang pinakamalaking proyektong imprastraktura at kauna-unahang underground mass transport system sa bansa.